Hey
Wala na kong enough load para makapag unli text para bukas. Punta kasi kami sa Youth Factor 5, sa Cuneta Astrodome. Whole day for sure, pano na si bebe Mico, itetext ko pa ung espren ko kasi magpapasundo un ng maaga as 5am. Kalerqui, tapos seven naman na kami makakaalis. Ay ayyy?
Hopefully sa sunday magkita ulit kami ng boyfriend ko. Kanina nga pala magkausap kami sa phone. Ang lakas ko lang para haranahin siya. Chix eh…
Tapos ang kwento niya sa’kin…
Mico: Pa, aalis ako after ng service sa sunday.
Papa(niya): Kasama mo si Myla *not exact, pero for sure na hindi Ella ang tinawag sakin*?
Maya-maya pa’y habang sobrang galak lang nung pagtatawanan namin…
Lola ko: Bakit ba kasi hindi pa siya dumalaw dito?
Ako: Oi Mico pumunta ka na dito kasi, wala si papa. Ayos lang kay lola. Hahahahah
Mico: We? Lagi naman ganyan sinasabi mo eh.
Ako: Di mo ba narinig sinabe? Hahahahahha
Lola ko: Hindi, okay lang naman sa papa mo eh, ligawan niya papa mo.
~~
:”> Tapos tawag ni Lola kay Mico, RICO. Yun daw kasi yung narinig niya nung tinanong niya ‘to.
RICO♥MYLA
What is LOVE?
Kaka-engganyong title para sa blog entry na ‘to. Dahil sa gabi na at wala akong magawa, eto. Pumipiltik ako ng mga letra para mabulaslas ang kung ano man meron sa kaisipan ko.
Grading System. Eto yun eh, yung naiinis ako kasi ang baba ng grades ko. Lalo na dun sa mga subject na alam ko dapat nag-eexcel ako. I always end up comparing myself to others, lalo na dun sa nakataas sa’kin. Anyway, my magandang dulot din to pero alam kong hindi magandang ugali. Eh wala, kaplastikan lang. Pero naiinis ako… 93 lang grade ko sa finals namin sa oral. Haist… Yabang101. willdelete later
so randommmm »>
Great escape
Ilang araw na ko natatakam kumaen? Dahil ba sa lagi kaming nagkakasumupungan ni Mico? Hahaha. Kanina ko lang din napansin. Hindi ko siya kinikibo, kasi nga siempre pa-chicks. Tapos lagi kunot noo ko, siguro badtrip ako. Eh kahit masisimot yung laman nung wolet, naglabas pa din ako ng pera. Bumili ako nung brownies cup cake with ice cream toppings dun lang sa may daanan. Bigla bigla na lang ako napapangiti eh, parang tanga lang. Ngising mukang manyakis. Natatakam dun sa matamis na ibibigay sakin. So pet, kaso ako bumili para sa sarili ko. Kasi ako din pala ang amo, tapos ako din yung pet. At ayun, masaya na ko. Medyo kumalma na ng konte. Basta kahit hindi ganun kasarap yung binili ko, na-amaze lang ako sa pagpapatong patong ng kung anong kolerete eh. Hahahaha :))))
Sundo
Okay. Pumayag na si mama na magpasama ako sa Boyfriend para dun sa business matter. Kasi ayaw ni papa na siya yung humarap dun sa kliyente ni mama, for sure kasi maghihintay siya ng more than 12 hours sa airport para naman hintayin si mama. So that, ako na lang daw. At dahil sa ayaw nung kung sino man daw na takot sa maynila na makipagkita sa’kin sa Kalaw, kami na lang pupunta sa kanya. Tsss
At least hindi na kami mahihirapan ng bebe ko. Sa ilang negotation kasi, mga tatlo na din ata? Kasama ko siya, pero nakatago lang kasi di pa pwede. Hahahaha, sabay na lang daw kami paglabas ng Pasay. Di pa sure kung makukuha agad yung grades namin or baka bumalik pa kami sa school para kunin.
Hehehe. Bukas naman, punta kami dun. Sabi ni lola pasama ako sa boyfriend ko. Pahatid daw ako dito, dun daw kami sa tabi ng driver kasi medyo malaking pera yung dadalhin at gamit na makukuha ko. Kakatuwa. Hihihihi :”>
Parang laking negosyo eh no… Kliyekliyente pang nalalaman. Business business matter pa eh. Well, malapit na. May dumadaloy sa dugo kong “NEGOSYO” eh. Kung susukuan ko nga tong kursong kinuha ko, sa Business Management talaga gusto kong bagsakan. Kunsabagay, malakas loob ko/makapal mukha eh.
Madalas
Lagi ko naalala yung tipong…
Nuon lang, pinagtitripan mo ko. Tinatawag tawag mo pa kong “MAHAL!” Chat ka pa ng chat na para naman sakin eh biruan lang. Ang gara no? Kung ano-ano lang nasasabi ko sa blog na to. Na nasabi ko na naman din sayo.
Kahit mahirap aminin bebs, NAGSELOS ako. Hindi ko lang talaga alam kung pano ilalabas yung emosyon na yun kasi alam ko napapasama ako sa tuwing nararamdaman ko yun.
Sorry babe, masyado ‘tong personal at napaka random. Hindi ko man lang nasabi sayo ng personal. Pero hayaan mo na yun, Hahaha.
So random, wala sa linya.
Wag lang RAP.
Kanina, bago pa man matapos yung final exam sa Chemistry… sobrang namimilipit na ko sa sakit ng puson. Ay grabetiii. Tapos sabi ko kay Mico uwi na ko, di ko na kasi talaga kaya. Buti na lang daw ehh wala kaming masyadong ginawa sa comp. programming tapos wala daw Basic Electronicss.
And then and then. Nagpahatid ako. Tapos yun, hinatid niya ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko eh, pano pala kung ‘di niya ko hinatid? Ay nakoo, yaree. Kinakausap niya lang ako, ako naman tong hindi na makapagsalita sa sakit. Nakititig lang siya sakin, anu anu sinasabi. Sinusubukan ako patawanin, muka na nga daw siya baliw eh. Tapos hanggang sa natawa na ko, medyo gumaan nararamdaman ko. Saktuhang umuulan? Nagpasundo ako with payong sa pinsan ko. Tapos nakita siyaaa… pero syempre ayos lang. Kinikilig tong pinsan kong dambuhala samin ng bebe ko. Hahaa
Ehh sa kalagitnaan nung byahe namin, may tugtugan yung jeep na sinakyan namin. Tapos rap, kumakanta ako para lang inisin siya. Syempre, knowing ko na hindi niya trip yun. Nakakatuwa lang. Na kahit para sakin, mejo gusto ko ng umiyak na lang ng umiyak. Blessing tlga na andyan si Mico na patawanin ako magmuka man siyang baliw dahil sa mga NR(no reaction) faces ko.
I love you bebs. There’s a reason behind everything talaga. Diba lately, may mga kung ano anong dahilan na hindi ganun kababaw, hindi rin ganun kalalim na lagi nating pinag-aawayan. Pero still, andito pa din tayo. Nagpapatuloy. Kahit na nakakaloko yung kanya kanya nating trip sa pag-iinarte. Ang importante lang talaga siguro. Yung love na nag give way para sa respect at trust na mag exist. And everything follows na. Yung pag aapreciate natin sa mga maliliit na bagay. Yung pagba-balance ng ugali ng isa’t isa. Yung BEST friendship natin na other side na romantic relationship na ‘to. Yung lahat, yung Faith kay God na hindi nawawala. Ang dami eh.
Basta mahal na mahal kita. Hindi ako maswerte na napamahal ka sakin. I’m blessed to have you after all. Always. Keep safe always bebe labs.
Pray for everything to be in well. Kung hindi man, I’m sure. We have patience to wait for what is worth kahit na hindi natin sigurado kung ano yun. Faith. :) Di tayo pababayaan ni God, babe.
Opening
Sa nangyari kanina, siguro napagbuksan ko ng pinto sarili ko. Oo, yung capable sa mga bagay na hindi ko inasahan kaya ko.
Ang drama eh no? Anyway, mabilis kasi akong makarealize ng mga bagay bagay, I think. Pero kahit ganon. Ay ewann. Bahala na. Natuto naman ako kahit papano. Lumalaki na nga ako, mejo lumalawak na pag-iisip ko. Sadyang may dumarating talagang mga tao kapag sinagad ka hanggang buto, matututo kang mag-unat mag-isa.
LOL? Damayan na ba talaga?
Wala pa din akong pake. Pero tiangalaaaa! Bakit kaylangan idamay yung pagkakaron ko ng boyfriend kung yung magulang ko nga hinahayaan na ko! Bakit kelangang pilitin ako kung marami naman college student ang hindi umaatend. Pwede bang maging considerate sila na College Student na ko. Whole day ang Schedule ko. Swerte na lang kung may isang araw akong pahinga sa isang linggo. At taeeee, FINALS ngayon!
Kung yun yung gusto niya bilang wala pa din naman siyang karapatan para gawin yun, sige lang. Tignan na lang natin kung san aabot yung sinasabi niya. Tutal, hindi yun magiging problema sakin. Problema yun ng mga staff at sa ‘tingin ko wala na siyang pakielam dun! Kung tatanggalin ako, tanggalin na rin nila yung mga college student na hindi umaatend dahil sa oras sa school. Kung buti sana eh matutulong nila kami pagnagkagipitan na. Nahihirapan na nga ko, wala na kong oras para lang matulog man langggggg! ABAAAA!
Writer
Ay ang bonnga ng UNOFFICIALLY YOURS. Grabe lang sa sobrang emosyon na nalabas ko. Hindi ko na matandaan kung saang part pero naka-relate ako sa mga nangyari sa palabas. Lalo na sa naranasan ni Cess. Ay mali, sa buong storya. Ay hindi rin pala, basta sa heart breaking moments na naranasan ni Mackie at ni Cess back back then and how they push themselves na umiwas sa commitment dahil sa takot. Ayan, hindi ko daw natandaan pero nasabi ko naman pala.
Nakita ko yung sarili namin ni Mico kina Angel at John Lloyd. Literal huh! Yung itsura talaga yung tinutukoy ko. Pero maliban dun, yung attachment ng emotions namin para sa isa’t-isa.
To make the story short pero wag ka ng umasang mapapaikli ko ‘to. Mico and I had a so called worst relationship with others before. To the point na hindi na namin binalak pumasok sa isang relationship ulit dahil sa takot na mangyari na naman yung nuon. And the day has come that we’re getting closer and closer. Without any expectation, without any plan to make flirt with each other. Parehas lang kaming nakikisabay sa agos ng tubig kung baga. Pero ako nun? Iniwasan ko pa hanggang sa ayun, nalaglag tuloy ang gaga. Tumalon naman ang binata at parehas nagliliwaliw sa karagatan ng pag-ibig.
Nakakatuwa lang isipin na yung takot na nadala namin, tinangay na kasama nung bangkang saksi ng kalokohan namin.
Tunay nga’ng hindi hinahanap ang pag-ibig, kusa itong dumarating sa hindi mo inaasahang pagkakataon.
At hanggang ngayon, pinagpapatuloy pa rin namin ang pagtampisaw sa pag-ibig na patuloy na binubuhos ng Diyos sa amin.
At saka nga pala. Sugalero kasi kami eh. Eto, dami na HITS!
Laugh laugh and laugh together.
Nasa jeep kami, ihahatid niya na ko dito samin. Tapos kwentuhan kami sa kung saan saan tulad na lang ng…
“Mico pano kung nagko-contact lens ako? Magugustuhan mo kaya ako?”
-“Siguro walang mabubuong feelings. Hindi siguro kita lalapitan.”
“Bago ako magcollege, pinagpaplanuhan ko na talagang bumili ng contact lens eh.”
-“Nako wag, nakakasira yun sa mata. Syaka gusto kita, kasi wala kang arte. Simple.”
“(Teka, kinikilig ako eh!) Oo nga eh, gusto mo kasi ikaw lang may arte. Chicks ka eh. :))”
- ” “HAHAHAHA” “
Pagbigyan niyo na ko. Minsan na lang ako magblog tungkol sa convo namin.
Eto pa, last na lang. Medyo mais to huh?
A: Para kang hayop! Kasi hindi PUPPYpigil ang pagmamahal ko para sayo eh!
M: :|
A: Uy kibo-kibo din. Kunwari tinatamaan ka na ng mga banat ko.
M: Banatan kita diyan eh. Hahahaha
A: Hahahah, oh ito na lang.
Para kang hayop. Kasi kahit lagi mo kong iniinis, waLION.
M: tama na.. pls (nagmamakaawa na siyaaa )
M: Alam mo mas masarap pang iuntog ulo ko dito kesa pakinggan ka. Hahahhaah
A: Eto na kasi. Kiligin ka naman!!!! Para kang hayop! Kasi ikaw ang TIGERt ng puso ko ehh.
M: Huh? Hahahahha. tigil na, bababa ka na oh!
A: TIGER yun. Target.. Dali naaa. Isa pa, last na lang…
A: Uulitin ko lang yung nasabi koo. Para kang hayop, ikaw kasi ang TIGERt ng puso ko ehhh. ahihihi
M: I love youuuuu! Good night. God bless. Ingat ka lage.
A: I love you too. Thank you. Ingat ka, God bless.
M: Pray ka mamaya huh?!
A: Of course :)
M: Pray for us, for them and for
M&A: Everybody. HAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Hindi man nila pansin, at malamang kayo din. Iba lang talaga yung pagtawa ko pag siya kasama ko. :) I love you bebe Mico :*


